Sunday, July 17, 2016

'90s Cartoons in the Philippines

the real ghost busters
the real Ghost Busters

Noong Dekada ‘90 pagsapit ng Biyernes alas-7 ng gabi nakatutok na kami sa Channel 2 para manood ng cartoons. Ghost Busters ang inabutan kong cartoons na ipinapalabas nila sapul nang magkaroon kami ng telebisyon. 

1991 o 1992 yata namaalam sa Philippine TV ang Ghost Busters, pumalit yung Teenage Mutant Ninja Turtles na naging equally phenomenal din o kaya ay mas higit pa. 
TMNT
TMNT

Tapos 1994 inalis na naman yung TMNT, pumalit naman yung X-Men na mas lalong astig. Pagdating talaga ng Biyernes alas-7 ng gabi walang aagaw sa amin sa telebisyon, may PBA noon pero bahala kayo diyan! Gusto namin mapanood si Wolverine!
the uncanny x-men
The Uncanny X-Men

Tapos, here comes 1995, Mighty Morphin Power Rangers naman, lalong hindi kami mahiwalay sa TV. Go Go Power Rangers na! Paborito ko noon si Green Ranger kasi kakaiba costume niya sa lima, siya lang yung may suot na body shield tapos yung Dragon Dagger niya tumutunog para tawagin yung Dragon Zord, tawag ko nga dun torotot eh.
mighty morphin power rangers
Mighty Morphin Power Rangers

Kaya lang pagdating ng 1996 at 1997 nag-iba na ang trend sa telebisyon, pumasok na yang mga soap opera na yan, yung mga “Mula sa Nguso” at “Experiensiya” wala na!

Ngayon panahon na ng mga Millennials, tambak na lalo yang mga drama na yan, nawala na yung mga cartoons sa primetime, pati tuloy quality ng programa bumaba na, ang importante kasi makagawa ng maraming drama para tumapat sa kalaban at para may trabaho yung overcrowded na artista.

Tapos na yung panahon na hinihintay talaga yung araw ng Biyernes at magmamadali tapusin yun assignments, kumain at maglinis ng katawan ang maaga para makapanood ng paboritong cartoons.






No comments:

Post a Comment